Mapagpipiliang Gagawin Ng Mga Gusting Magpausbong Ng Pleurotus
Mushroom
Contract Grower
Kung nais maging contract grower, maaaring makipag-ugnayan sa
malalaki nang mushroom farms na nangangailangan ng ganitong serbisyo para
madagdagan ang kanilang produksyon. Maaaring bumili sa kanila ng mga fruiting
bag ng Pleurotus na aalagahan at palalakihin at bibilhin nilang muli ang mga
aning kabute. Sa contract grower scheme, mangangailangan ng lugar o bahay na
paglalagyan ng fruiting bags.
Fruiting Bag Producer
Kailangan gumawa ng sariling spawns
at fruiting bags. Ang fruiting bags ang ibebenta sa mga nais mag-alaga ng kabute
na ayaw naman gumawa ng mga spawn at fruiting bag.
Independent Mushroom Producers
Gumagawa ng lahat ng hakbang ng
produksyon sa Pleurotus mula sa paggawa ng spawns, paggawa at pangangasiwa ng
fruiting bags hanggang sa pagbenta ng mga aning Pleurotus
mushroom.