Ang kabute, tulad ng libo-libong fungi, ay kinakailangang dulutan ng mga pagkain nito gaya ng cellulose o selyula, arina at tubig bagi ito sumibol at lumaki. Sa maraming kaso, nakukuha itong madaliin sa pamamagitan ng nabubulok o organikon o materyales mula sa halaman at kahit na sa dumi ng hayop na mayaman sa nitroheno at karbon. Ang mga nitroheno o karbon ay ang dalawang pangunahing elementong kailangan para sumibol at lumaki ang mga kabute. Gaya ng mga halaman. Bumubuo ang kabute ng binhi o spores at lumalaki na parang maliit na payong kung magulang na. Ang mga binhi o spores ay maliit at makikita na parang alikabok na nalaglag sa ilalim ng paying at sumasama sa hangin. Kapag nalagay ang kabute na mamasa-masang bahagi, tulad ng tuod (nabubulak na katawan ng saging, basing dayami, atbp.) ang binhi o spores ay sumisibol. Kung may hustong pagkain sa bahaging nilakihan, magpapatuloy ang paglaki ng mga ito ay gagawa ng amag o mycelium. Pagkaraan, kung ang kapaligiran ay pabor sa pagsibol ng spores, magsusupling at magiging buo na ang mga kabute. Ang mga amag na ito ay katulad ng dahon ng halaman. Ito ang gumagawa ng mga pagkain mula sa bahaging nilakhan ng spores. Kung may mga kabute na, makakabuo ulit ng spores ang mga amag. Ang spores pagkaraan ng ilang panahon ay siyang magsisilbing planting materials.
Sa panahon ng pagiging amag, ang buhay na kabute ay di nangangailangan ng liwanag. Pero ang liwanag ay kailangan para sa sibol o para makabuo ng kabute. Ang hangin o oxygen ay mahalaga rin kahit sa pagiging amag o panahon ng mycelium stage pero mas higit na kinakailangan ito sa panahon ng pamumunga.
Sa panahon ng tag-ulan, dumaami ang kabute dahil sa labis silang aktibo kapag basa ang kapaligiran. Ang ibang uri ng kabute ay lumalaki sa nabubulok na kahoy o tuod, ang iba’y sa buhay na katawan ng puno.
Ang iba nama’y sa berdeng damo, sa nabubulok na gulay, sa dumi ng hayop at iba pa. May mga kabute katulad ng oyster mushroom o pleurotus mushroom nalumalaki kung saan sapat ang araw. Mayroon naming ibang kabute tulad ng buttom mushroom na mainam sa pagtubo sa malililim na lugar. Ang iba’y lumalabas o sumusulpot lamang sa nahay ng anay, katulag ng kabuteng punso.